Watch po mga Mommies!
PAGPAPALIT-PALIT NG YAYA, BAD SA HEALTH NI BABY
Madalas
ka ba nagpapalit-palit ng yaya ng iyong anak? Kung Oo ay dapat mo itong
basahin. Ayon sa isang pag-aaral mula sa Howard University sa Washington DC ni
Jen Hao-Chen isang lead researcher, na hindi nakakatulog ng maayos ang bata at
hindi maganda sa sleep routine ng bata kapag nag iiba-iba ang nag aalaga sa
kanya. Aniya, kritikal kasi para sa
development ng bata ang pagtulog ng mga batang may edad 3 hanggang 5.
Sa
report ng Sleep Health , sinuri ni Chen ang datos ng higit sa 3,400 na mga
batang Australian mula edad 9 na buwan hanggang
2 taon. Tinanong naman ang mga magulang ng mga bata tungkol sa childcare
experience ng bata o kung sino at paano ito inaalagaan, kapamilya man nila o ng
isang yaya.
Sa
resulta, ang mga bata na may iisang tagapag-alaga mula nang sila ay sanggol
hanggang sa maging toddler ay hindi nagkaroon ng problima sa pagtulog. Habang
ang mga bata na papalit-palit o paiba-iba ng bilang ng mga nag-aalaga ay
nababawasan ang oras na itinutulog sa gabi.
Mahalaga
ang kumpletong tulog para sa ating lahat, lalo na sa mga bata dahil nakasalalay
ang development ng kanilang good health. Kaya kung isang dahilan ang pag
iba-iba ng mga mag-aalaga sa mga ito, mabuti pa na maghanap na talaga kayo ng siguradong
tagapag-alaga hanggang sa lumaki ang bata para hindi maapektuhan ang kanyang
paglaki.



mas mabuting nanay na mismo mag alaga sa kanilang anak! Sakit.info
ReplyDelete