Sarap naman talaga uminon ng Redwine!
Madalas na pag-inom ng wine, nakakabulok ng ngipin
Ayon
sa pag-aaral ni Dr. Mervyn Druian mula sa London Center for Cosmetic
Dentistry, ang mga kababaihan na higit
na nakahihiligan ang pag-inom ng wine sa iba’t-ibang okasyon, sila ang mas
apektado sa inuming ito. Bagama’t pa unti-unti ang pag-inom nito, hindi nila
namamalayang malaking sira ang nagagawa nito sa kanilang ngipin.
Ayon
kay Professor Damien Walmsley, scientific adviser ng British Dentak
Association, ang wine ay nagbibigay ng 3 beses na dami ng carbonation,
sweetness at alcohol na mapanganib para sa mga ngipin at malamang na mauuwi sa
sensitivity at enamel erosion.
Karaniwan
na sa mga carbonated beverage ang pagiging mabula nito mula sa paglabas ng
carbon dioxide na tumutunaw dito upang maging carbonic acid. Paliwanag ng mga
dental expert, mas malala pa raw ang wine kaysa sa champagne dahil hindi ito
kasing tamis nito. Ang wine ay mayroon lamang PH level na 3.25 na ginagawa itong mas acidic sa fizzy
drinks at na pinahihina nito ang tooth
enamel natin. Mayroong din itong high sugar content na bawat baso ay katumbas
ng isang kutsarang asukal na magdudulot rin sa pagkabulok ng ngipin.
Mayroon
ba itong solusyon?
1. Gumamit ng straw sa
pag-inom ng wine. Dahil sa straw ay makakatulong na maprotektahan ang mga
ngipin kaysa pag-inom nito na direkta mula sa baso.
2. Pagkatapos uminom ng wine
ay mag-antay nang ilang oras bago mag toothbrush para mabigyan ang enamel ng
sapat na oras upang muli itong tumigas makaraang palambutin ng acid at sugar.
PREVENTION IS BETTER THAN CURE




Comments
Post a Comment