Negatibong epekto ng NAPKIN sa kalusugan


Ating alamin ang mga bahagi ng sanitary pad o napkin na mayroong negatibong epekto sa kalusugan gayundin ang masamang dulot ng paggamit nito at ng tampon ayon sa mga eksperto.

Deodorants

Matatagpuan ang deodorant sa napkin. Maari itong humalo sa dugo ng isang babae at magdulot ng impeksyon at iba pang sakit, tulad ng pagkabaog at iba pang komplikasyon sa pagbubuntis na maari rin makaapekto sa sanggol na nasa sinapupunan.

Bulak
May mga kemikal tulad ng herbicide at pesticide rin na nakahalo sa bulak na ginagamit sa napkin. Ito ang mga uri ng kemikal na ginagamit pang spray sa cotton crops na pinaniniwalaang dumikit sa bulak kahit pa na harvest na ito na maaring magdulot ng sakit. Ilan sa mga nauugnay ang hormonal disfunction, thyroid malfunction, diabetes at depresyon.

Synthetic Layer

Gawa sa sentetikong materyales ang bahaging ito ng napkin na pumipigil sa mamasa-masang pakiramdam habang may dalaw ang isang babae. Maari nitong hadlangan ang daloy ng hangin na magdudulot ng init at kahalumigmigan sa maselang bahagi ng katawan na pamumuhayan ng iba’t-ibang klaseng bacteria.

Tampon

Maaring magdulot ng pinsala sa pribadong bahagi ng katawan ng babae ang mga kemikal at materyales na ginagamit sa paggawa ng tampon na tinatawag na Phthalates. Isang kemikal na ginagamit upang maging makinis ang paper applicator sa napkin. Nangangahulugan ito na maaring taglayin ang mga kemikal tulad ng BPA at BPS na nauugnay sa mga sakit na cancer, sakit sa puso at iba pang kondisyon.

Bukol

Makapagdudulot naman ng bukol sa pribadong bahagi ng babae ang masyadong matagal na pagsusuot ng napkin. Maaring maging sanghi rin ng iritasyon at impeksyon. Kaya payo ng mga eksperto, palitan ang napkin kada 4 na oras upang hind imaging dahilan ng tinatawag na Toxic Shock Syndrome o kamatayan sanhi ng di regular na pagpapalit.


Comments