Mga senyales na dapat mo nang palitan ang iyong shampoo
Mainan na maging aware sa mga senyales na hindi na match sa hair type ang ginagamit na shampoo at conditioner. Narito ang ilang signs na nagsasabing dapat mo nang palitan ang iyong ginagamit sa buhok.
DRY
Prone sa pagkabuhol-buhol ang isang damaged hair. Nagsisimula ang ganitong problema kapag dry at magaspang ang iyong buhok. Malaking factor ditto ang shampoo na iyong ginagamit. Mayroon kasing sangkap ang mga ito na nagiging sanhi para hindi maka absorb ng natural moisture ang bawat hibla ng buhok. Natural moisture na siyang hadlang sa pagkadikit-dikit ng buhok. Ang paggamit rin matigas at mahirap i-manage ang mga buhok.
MARUPOK
Maituturing na dry ang buhok na marupok. Dahil sa tigas at gaspang kaya naman madali itong maputol o mapigtas kahit pa mga daliri lamang ang ipinangsusuklay dito. Sign rin ng mahinang kalusugan ang pagiging marupok ng buhok. Nangangahulugan kasi na kulang sa natural na langis ang bawat hibla nito dahilan para maging mahina at manipis. Maging maingat sa pagpili ng ginagamit dahil may ilang shampoo na nagtataglay ng silicone at alcohol na sanhi ng dryness.
MATAAS NA POROSITY
Abilidad sa pagtanggap ng tubig, oil moisture at kemikals ng buhok ang porosity. Ngunit mayroong dis-advantage ang sobrang taas nito. Dahil kung anong bilis ng buhok sa pagsip-sip ng moisture, gayundin naman kabilis ang pagkawala nito. Kaya naman humahantong rin sa dryness ng buhok ang nangyayari dahil sa hindi kaya na panghawakan ng matagal ang moisture. Sanhi pa rin ito ng mga kemikal na matatagpuan sa shampoo na ginagamit.
HINDI MAKINTAB
Sign ng pagkakaroon ng healthy hair ang pagiging shiny nito. Mula ito sa natural oil na lumalabas sa outer layer ng buhok na nagpoprotekta sa inner layers. Ito ang naglo-lock ng moisture upang mapanatiling hydrated ang bawat hibla. Ngunit kung walang kintab ang buhok, nangangahulugan lamang na hindi ito na moisturized ng tama dahilan para mamukha itong walang buhay at buhaghag. Inaalis kasi ng shampoo ang natural oils sa buhok kaya mainam na pumili ng shampoo na akma sa hair type upang makatulong sa pagpapanatili ng shiny at healthy hair.
MABAGAL NA PAGHABA
Isa sa mga goals ng kababaihan ang magkaroon ng mala- dyosa buhok. Ngunit hindi ito mangyayari kung mabagal ang pagtubo ng buhok. At kung minsan hindi pa pantay ang pagtubo. Nakakaapekto rin kasi sa anit ang shampoo ang nagiging hadlang sa pagtubo ng buhok. Kinakailangan ng nutrients ng buhok dahil mayroon na silang cycle upang tumubo muli. Ngunit dahil sa maling shampoo, maaring maapektohan ang production cycle na maaring humantong sa hindi na muling pagtubo ng buhok.
Please like,subscribe and share!!!






Comments
Post a Comment