Mga Pampaganda Galing sa Kusina

Mga pampaganda galing sa kusina

Ang pagpapaganda ay parte na ng buhay ng tao lalung-lalo na sa makabagong panahon. Maraming  iba’-ibang mga produkto ang iyong pagpipilian, yun nga lang mahal. Alam niyo ba na may ibang paraan na hindi kailangan na gumastos ng napakamahal para lang makapagpaganda? Hindi mo na kailangang pumunta sa mga mamahaling  mga salon o spa. Sa simpleng kusina lamang ninyo ay maaring nang magpakinis ng balat at mag facial.

TARA NA AT MAGPAGANDA SA KUSINA!
Halos wala ka na bang time para magpaganda sa iyong sarili, o kaya na may out of budget na para sa mga mamahaling pang facial, pangpaputi, at iba pa? Kung gayo’y siguradong ikasasaya mo ang beauty tips na natural na matatagpuan lang sa iyong kusina.

ITLOG

Ayon sa isang pagsusuri, nakakapagpaliit ng pores at nakakapagpabanat ng balat ang pag gamit ng itlog bilang facial mask.

Paraan paano gawin:


  • Una, kailangang paghiwalayin ang dilaw sa puti. Batihin ng mabuti ang puti ng itlog hanggang bumula. 
  • Ipahid ito sa mukha at intayin ang 10 minuto hanggang 15 minuto o hanggang matuyo at tumigas ito sa mukha. 
  • Banlawan ito ng maligamgam na tubig at isunod ang dilaw ng itlog na ipahid sa mukha. 
  • Patuyuin muli at banlawan. Matapos nito, tiyak na iyong mararamdaman na mas kuminis at lumambot ang iyong mukha. Maari itong gawin  2 beses sa isang buwan.


KAPE

 Ayon sa isang pagsusuri, ang kape daw ay natural na exfoliant o nakakapag-alis ng dead skin. Ito rin ay nakakabawas ng pangingitim sa ilalim ng mata at nakakapag-aliwalas ng komplekasyon ng balat.

Paraan paano gawin:

  • Una, haluin lamang ang isang kutsaritang kape at 5 patak ng tubig para makagawa ng malapot na paste. Maari itong dagdagan ng pulang asukal upang mas maging epiktibo ang pag-exfoliate nito sa balat.
  • Kuskusin ng dahan-dahan ang mukha gamit ang kape.
  • Iwanan ng 15 minuto at banlawang mabuti ng banayad na sabon. Kapansin-pansing  babata at bahagyang puputi ang inyong mukha kung regular na gagamitin 1 beses sa isang linggo.

KALAMANSI

Gusto mo bang magpaputi? Natural na acid ng kalamansi ang nagkakapagpapusyaw ng kulay ng balat. Maari rin itong gamitin sa kili-kili, siko, tuhod, at iba pang parte ng katawan na madaling mangitim.

Paraan paano gawin:


  • Hiwain lamang sa gitna ang kalamansi at ipahid ng direkta sa balat ang katas.
  • Kung sa mukha, ito’y ibabad lamang ng hanggang  15 minuto. Maari naman iwan hanggang kinabukasan ang katas kung nasa ibang parte ng katawan.
  • Kung masyadong natatapangan sa purong katas,maari itong dagdagan ng gatas na nakakaputi at nakakaganda rin sa balat. Ihalo lamang ang katas ng isang kalamansi sa tatlong kutsarang gatas. Ipahid sa balat at ibabad ng 15 minuto hanggang 30 minuto bago banlawan.
  • Maari ring ihalo sa panligong tubig ang mga balat ng napagpigaan ng kalamansi. Maliban sa pagpaputi, ito rin ay nakakapagpabawas ng body odor.


Sa unang gamit palang ay makikita na ang magandang resulta, mas maputi at makinis na ang iyong balat. Maari itong ulitin minsan sa isang linggo o dalawang beses sa isang buwan.
Ang mga pampaganda tips na ito ay maaring isabay sa mga gawaing bahay o sa iyong libreng oras. Tipid na, nakakasiguro ka pang ligtas ang mga ito dahil walang halong kemikal at iba pang sangkap na maaring makapinsala sa iyong balat. Maganda pa rito ay maari mong iluto o kainin ang sumobra sa iyong pagpapaganda.


Please like, subscribe and share!!!








Comments

  1. Ayos bang ihalo ang kape sa puti ng itlog para ipahid sa mukha ?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Negatibong epekto ng NAPKIN sa kalusugan