Negatibong epekto ng NAPKIN sa kalusugan
Ating alamin ang mga bahagi ng sanitary pad o napkin na mayroong negatibong epekto sa kalusugan gayundin ang masamang dulot ng paggamit nito at ng tampon ayon sa mga eksperto. Deodorants Matatagpuan ang deodorant sa napkin. Maari itong humalo sa dugo ng isang babae at magdulot ng impeksyon at iba pang sakit, tulad ng pagkabaog at iba pang komplikasyon sa pagbubuntis na maari rin makaapekto sa sanggol na nasa sinapupunan. Bulak May mga kemikal tulad ng herbicide at pesticide rin na nakahalo sa bulak na ginagamit sa napkin. Ito ang mga uri ng kemikal na ginagamit pang spray sa cotton crops na pinaniniwalaang dumikit sa bulak kahit pa na harvest na ito na maaring magdulot ng sakit. Ilan sa mga nauugnay ang hormonal disfunction, thyroid malfunction, diabetes at depresyon. Synthetic Layer Gawa sa sentetikong materyales ang bahaging ito ng napkin na pumipigil sa mamasa-masang pakiramdam habang may dalaw ang isang babae. Maari nitong hadlangan ang daloy ng hangin na magdudulot...