Watch po mga Mommies!
PAGPAPALIT-PALIT NG YAYA, BAD SA HEALTH NI BABY Madalas ka ba nagpapalit-palit ng yaya ng iyong anak? Kung Oo ay dapat mo itong basahin. Ayon sa isang pag-aaral mula sa Howard University sa Washington DC ni Jen Hao-Chen isang lead researcher, na hindi nakakatulog ng maayos ang bata at hindi maganda sa sleep routine ng bata kapag nag iiba-iba ang nag aalaga sa kanya. Aniya, kritikal kasi para sa development ng bata ang pagtulog ng mga batang may edad 3 hanggang 5. Sa report ng Sleep Health , sinuri ni Chen ang datos ng higit sa 3,400 na mga batang Australian mula edad 9 na buwan hanggang 2 taon. Tinanong naman ang mga magulang ng mga bata tungkol sa childcare experience ng bata o kung sino at paano ito inaalagaan, kapamilya man nila o ng isang yaya. Sa resulta, ang mga bata na may iisang tagapag-alaga mula nang sila ay sanggol hanggang sa maging toddler ay hindi nagkaroon ng problima sa pagtulog. Habang ang mga bata na papalit-palit o paib...